ニュース

PALIGSAHAN SA PAGTALUMPATI AT PAGSULAT NG COMPOSITION (ESSAY) NG MGA NURSING CARE TEKNIKAL TRAINEES MULA SA IBANG BANSA MGA PANUNTUNAN SA APLIKASYON AT SA PAGSALI



IMAID Alpha Co., Ltd.
Sekretariat ng Paligsahan sa Pagtatalumpati / Komposisyon
〒161-0033 Tokyo-to Shinju-ku Shimoochiai 1-1-1 Tokiwa Paresu 1F
TEL.03-6279-2662
FAX.03-6908-9566
E-mail. info@ialpha.jp
URL. https://ialpha.jp

1. Layunin
● Kami po ay magsasagawang isang paligsahan sa pagsasalita at pagsulat ng komposisyon bilang
bahagi ng suporta para sa mga Nursing Care Teknikal Trainees mula sa Ibang Bansa at upang
magkaroon ng kamalayan ang maraming tao dito sa Japan tungkol sa mga gawain ng mga
Nursing Care Teknikal Trainees. Naghihintay po kami ng maraming application at pagsali mula sa
lahat.

2. Kwalipikasyon para sa pagsali
● Ang contestant ay dapat isang Nursing Care Teknikal Trainee mula sa Ibang Bansa na
kasalukuyang naninirahan sa Japan.

3. Mga Category ng Paligsahan
①Pagtatalumpati (speech) sa Nihongo
②Pagsulat ng Essay (composition) sa Nihongo
③Pagsulat ng Essay (composition) sa sariling wika (Tagalog)

4. Topic o Tema (ito ay para sa lahat ng Category sa itaas sa 3.)
①Ang aking natutunan sa aking gawain bilang isang Nursing Care Teknikal Trainee
②Mga magagandang salita mula sa aking mga na-alagaan na nkapagpasaya sa akin.
③Ang lakas na nagtutulak sa akin para magawa ko ang aking best sa araw-araw.
④Pangarap sa kinabuksan at Caregiving.
⑤Dahilan na naghikayat sa akin upang piliin maging isang Nursing Care Teknikal Trainees sa Japan.

5. Mga Panuntunan
a) Panuntunan sa Category ng Pagtatalumpati (speech) sa Nihongo
①Isumite ang talumpati sa isang video na tatagal lamang ng mga 3 minuto.
②Maari rin na i-record ang video gamit ang cellphone.
③Bago simulan ang iyong talumpati, sabihin muna ang iyong pangalan at bansa at pagkatapos ay
sabihin ang iyong tema (isa sa mga nabanggit sa 4 sa itaas). Matapos nito ay maari nang tumuloy
sa iyong talumpati.
④Isang speech entry lamang kada contestant. Dapat ay orihinal na talumpati at hindi pwede yung
content na nagamit na sa ibang speech contest na sinalihan dati.
b) Panuntunan sa Category ng Pagsulat ng Essay (composition) sa Nihongo / Saraling Wika
①Mangyaring isumite ang komposisyon gamit ang A4 na sukat (400-character) na papel. Ang
komposisyon ay hindi dapat lalampas sa tatlong piraso papel at hindi higit sa 1200 na salita.
②Maaring ang format ng pagsulat ay Horizontal (Western o Left to Right) or Vertical (Japanese style
o From upper right, down towards the left).
③Ang essay ay dapat original at sariling gawa ng contestant (maaaring sulat kamay o ti-nayp sa
computer) Isumite ang orihinal na kopya (hindi tatangapin ang photocopy).
④Isulat ang topic o tema sa unang linya, ang iyong pangalan sa pangalawang linya at ang iyong
komposisyon ay dapat magsimula sa pangatlong linya ng essay.
⑤Isang essay entry lamang kada contestant. Dapat ay orihinal na komposisyon at hindi pwede yung
komposisyon na nagamit na sa ibang contest na sinalihan dati.
** Maaring sumali sa lahat ng Category (pagtatalumpati at pagsulat ng komposisyon). Subalit,
ang pinakamahusay sa bawat Category lamang ang pipiliin.

6. Wikang Gagamitin
①Pagtatalumpati (speech) sa Nihongo : Nihongo
Pagsulat ng Essay (composition) sa Nihongo : Nihongo
Pagsulat ng Essay (composition) sa Sariling Wika : Sariling Wika
**PAALAALA:
①Kung sasali sa Categorya ng pagtatalumpati at pagsulat ng komposisyon sa Wikang Hapon, ang
kalidad ng kakayahan sa paggamit ng wikang Hapon ay hindi ginagamit bilang pamantayan sa
pag-screen ng mga entries. Subalit, kung hindi maintindihan ng nag-ii-screen ang kahulugan ng
sinabi o isinulat na wikang Hapon sa iyong entry ay maaari po itong maging sanhi ng kabiguan
ng inyo pong entry.
②Kung sasali sa Categorya ng pagtatalumpati at pagsulat ng komposisyon sa Saraling Wika,
isasalin at huhusgahan ito ng aming tauhan at may mga pagkakataon na hindi ganap na
tumugma ang pagsasalin sa iyong nais na kahulugan.

7. Panahon ng Pagtatanggap ng mga Entry
● Mula June 1 hanggang September 30, 2021 (dapat dumating sa bago 17:00 ng September 30).

8. Paraan ng Pagsali
● Mangyaring punan ang mga kinakailangang impormasyon sa application form, ilakip (o
i-attach kung via e-mail) ang video ng talumpati o komposisyon, at isumite ito sa
pamamagitan ng koreo o email sa sumusunod na address.

● Sa video ng talumpati, maari rin na i-upload sa Youtube ang video. Ipadala na lng sa amin ang
URL ng Youtube video ng iyong talumpati.
**Lugar na pagdadalahan:

9. Mga Mapapanalunan at Gantimpala
①Pagtatalumpati (speech) sa Nihongo
● Grand Prize (1 katao) : Sertipiko ng papuri at gantimpala na 150,000 yen
● Excellence Award (2 katao): Sertipiko ng papuri at gantimpala na 80,000 yen
● Skillful Award (10 tao): Sertipiko ng papuri at gantimpala na 10,000 yen
②Pagsulat ng Essay (composition) sa Nihongo
● Grand Prize (1 katao) : Sertipiko ng papuri at gantimpala na 100,000 yen
● Excellence Award (2 katao): Sertipiko ng papuri at gantimpala na 50,000 yen
● Skillful Award (10 tao): Sertipiko ng papuri at gantimpala na 10,000 yen
③Pagsulat ng Essay (composition) sa Sariling Wika
● Grand Prize (1 katao) : Sertipiko ng papuri at gantimpala na 50,000 yen
● Excellence Award (2 katao): Sertipiko ng papuri at gantimpala na 30,000 yen
● Skillful Award (10 tao): Sertipiko ng papuri at gantimpala na 5000 yen

10. Pag-anunsyo ng mga Nagwagi sa Paligsahan
● Ang mga nanalo ay ihahayag sa unang bahagi ng Disyembre 2021 at ia-anunsyo din sa
aming website.

11. Mga iba pa
① Ang copyright ng video ng talumpati at ng Essay (composition) na isinali sa paligsahan ay
mananatili sa pag-aari ng iMade Alpha Co., Ltd.
② Ang mga video ng talumpati at ang Essay (composition) na isinali sa paligsahan ay hindi ibabalik.
③ Ang personal na impormasyon na isinulat sa application form ay gagamitin lamang sa loob at sa
saklaw na kinakailangan para sa pagpapatakbo ng paligsahang ito.
④Ang mga video ng talumpati at ang Essay (composition) na isinali sa paligsahan ay maaaring
magamit sa aming website, mga material na naka-print, at iba pang media.
⑤ Matatagpuan ang mga alituntunin ng aplikasyon para sa paligsahan sa Chinese, Vietnamese,
Nepali, English, Mongolian at Tagalog sa aming website (https://ialpha.jp).

12. Organizer・Sponsor ng Paligsahan
Organizer: 株式会社アイメイドアルファ (IMAID Alpha Co., Ltd.)
Sponsor: ワイズネット事業協同組合 (Wise Net Business Cooperative)

13. Para sa mga katanungan:
IMAID Alpha Co., Ltd. Sekretariat ng Paligsahan sa Pagtatalumpati / Komposisyon
〒161-0033 Tokyo-to Shinju-ku Shimoochiai 1-1-1 Tokiwa Paresu 1F
TEL.03-6279-2662 FAX.03-6908-9566
E-mail: info@ialpha.jp Website: https://ialpha.jp
**Para sa anumang katanungan, mangyaring mag-email sa e-mail address sa itaas. Mayroon po
kaming mga staff na nakakaunawa sa bawat wika kaya’t maari po kayo mag e-mail sa amin gamit
ang inyong sariling wika.

APPLICATION FORM PARA PALIGSAHAN SA PAGTALUMPATI AT PAGSULAT NG COMPOSITION
(ESSAY) NG MGA NURSING CARE TEKNIKAL TRAINEES MULA SA IBANG BANSA
[PDF]

PANGANGASIWA NG PERSONAL INFORMATION UKOL SA PAGSALI SA
KUMPETISYON

Pangangasiwaan ng IMAID Alpha Co., Ltd. ang personal na impormasyong ibinigay tulad ng
sumusunod.

“1” Sa Pagkuha at Layunin ng paggamit ng personal na impormasyon
● Para mga aktibidad sa paligsahan sa pagtatalumpati at pagsulat ng komposisyon (essay) ng mga
Nursing Care Teknical Intern Trainee mula sa ibang bansa.

“2” Pagbabahagi ng personal na impormasyon sa isang Third party
● Ang mga personal na impormasyon na ibinigay sa Application para sa paligsahan sa pagtatalumpati
at pagsulat ng komposisyon (essay) na maaring ibigay sa isang third party ay tulad ng sumusunod:
① Layunin ng Pagbabahagi
● Upang makakalap ng suporta para sa mga Nursing Care Teknical Intern Trainee mula sa
ibang bansa at mapataas ang kamalayan ng lipunan ukol sa kanila.
② Personal na impormasyon na Ibabahagi
● Pangalan, nasyonalidad, kasarian, Kumpanyang pinagsasanayan, larawan ng mukha (para sa
mga nagwagi lamang), ang talumpati o komposisyon (essay).
③ Paraan ng pagbabahagi
● Maaring i-post sa aming website, pamamahagi ng mga publications.
④ Mga Third party na pagbabahagian
● mga Nursing Care Teknical Intern Trainee mula sa ibang bansa, mga bumibisita sa aming
homepage, mga samahan ng mga Implementing Organization para sa pagsasanay ng mga
Nursing Care Teknical Intern Trainee mula sa ibang bansa, mga humihiling ng publication.

“3” Entrustment sa pagbibigay ng personal na impormasyon
● Ang personal na impormasyon na ibinigay sa pamamagitan Application para sa paligsahan ay
ibabahabi sa aming outsourcer para sa layuning pag-post sa website at pag-print ng aming mga
publication.

“4” Patungkol sa hindi pagbibigay ng personal na impormasyon
● Kusa pong ibibigay sa amin ng mga kasali sa paligsahan ang kanilang personal na impormasyon.
Mangyaring tandaan lamang na kung hindi ito ibibigay ay maari po itong maging dahilan ng di
namin pagtanggap ng inyong entry.

“5” Paghahayag ng personal na impormasyon, atbp.
● Mangyaring makipag-ugnay sa aming Sekretariat ng Paligsahan sa Pagtatalumpati / Komposisyon
para sa abiso, pagsisiwalat, pagwawasto, pagdaragdag o pagtanggal, suspensyon ng paggamit,
pagbura, suspensyon ng pagkakaloob sa mga third party, at konsulta tungkol sa layunin ng
paggamit ng personal na impormasyon na ibinigay sa amin.